Saturday, June 30, 2007

Madjik Eyt Bol


Salamat at pinaligaya mo ang araw namin.
Hatid mo ay kasagutan sa mga tanong na bumagabag sa aming mga isipan.

sino ba?
kailan?
pwede kaya?
mauulit pa ba?
lalaki ba?

Kahit na kinailangan naming alugin kang muli dahil "hazy" ang iyong paningin, alam namin na "it is certain!"

At sa mga pagkakataong sinabi mong "better not tell you now," naiintidihan ka namin. Alam naming ito ay para sa aming kapakanan.

Madjik Eyt Bol, salamat.
Sa uulitin.

Wednesday, June 20, 2007

traydor!

Nilooban ang bahay namin kagabi.

Pero hindi ko man lang namalayan.

Masyado kasing komportable ang pagkakahiga ko sa aking kama. Tulog mantika. Mabuti na lamang at walang masamang nangyari at nahuli sa akto ang magnanakaw.

Dumaan siya sa basement. Sa maliit na bintana sa kwarto ng kuya ko. Siguro ay first time niyang ginawa ito or matagal na niyang ginagawa kaso minalas lamang ngayon kaya ngayon nahuli siya. Wala siguro siyang ganoong lakas para mabuksan ang pinto o ang mga bintana kaya ipinagsiksikan na lang niya ang sarili sa maliit na bintanang iyon.

Marahil nagpaanic siya kaya nagising ang kuya ko. Ang gago, tatanga-tanga.

Ang nakakalungkot sa lahat ay kakilala pa naman namin siya. Malapit siya sa amin. Tinanggap namin siya sa aming bahay pero hindi namin inaasahang gaganituhin niya kami. Nakakagulat lamang na sa murang edad ay nagawa na niya ito.

Hindi na namin pinaalam sa mga pulis ang nangyari. Magdudulot lamang ito ng malaking eskandalo. Siguro naman ay hindi na niya uulitin ang ginawa niya. Sana.

Mabuti na lamang at nang magising ang kuya ko sa mga kaluskos niya ay nasa tabi lamang niya ang kanyang cellphone kaya nakuhanan niya ito sa akto. Narito ang salarin:

Aha! Huli ka!


At ngumiti pa sa kamera!