Saturday, July 7, 2007

text twist

Umatake kami sa Araneta kanina para sa opening ng season 7o ng UAAP. Masaya ang lahat. Punung-puno ang Big Dome. Nakabibingi ang tilian ng mga manonood. Panalo!

UST ang host para sa season na ito. Ayon kay Raine, dapat pala UP, kaso nakipagpalit na lang sa UST at next year na lang ang UP kasabay ng ika-100 taon ng unibersidad. Fruit salad ang opening dahil ang daming tema.

Nahaluan ito ng kabanalan, na labis naming hindi nagustuhan. Makasalanan kasi kami. May mga maskolados junior pa na kasali at nagtangkang aliwin kami. Ngunit hindi sila nagtagumpay. Parang buwan din ng Mayo sa dami ng fiesta feeling. May mga reyna reynahan pa.

First game ang laban ng UP at ng nagbabalik na La Salle. Talo kami, anu pa nga ba! Mukhang gaganti talaga ang La Salle sa pagkakawala nila last year. Hala kabahan na!

Naghanda kami ng aming mga friends ng papansin gimik. Gusto kasi ng TV exposure. At nakuha naman namin. Although hindi close-up.

Yehey kapag naka-shoot!

Aww!! naman kapag hindi. May sad face pa oh.

Other combination na nabuo namin on the spot. Pang-asar lang!

Para naman sa *toot*!

2 comments:

Aleli said...

Ako ay masayahin, windang at bruha. At sana ay maipakita ko ito sa aking mga akda.

no need, pictures lang solve ka na! =D =D i love your funny posings sa pics natin! nyaha!

lucia said...

hehehe.. ganyan talaga kapag may pagka-lokaret!