Thursday, July 12, 2007

1x1 whole body picture

dati laging jino-joke ng mga corny na tao kapag hinihingan sila ng picture: "gusto mo 1x1 whole body picture?"

lagi kong naiisip sa tuwing nasasabihan ako nun, "sige nga try mo!"

pero nang sabihin ng prof ko sa BC100 na ang kailangang picture sa index cards namin (na dapat ay berde) ay 1x1 whole body picture, hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. siyempre natawa ako, gaya ng madalas kong gawin sa lahat ng bagay. pero parang shet, paano ko gagawin iyon? at take note, dapat kita ang mukha ha! kaya bahala na kaming balebalentongin ang katawan namin basta magkasya lang sa kwadradong larawang iyon.

may ilang araw ko ring pinagisipan kung paano ko magagawa ang isang close-up-all-parts-of-your-body-included 1x1 picture. after ilang pagtatangka...

No comments: