Thursday, August 2, 2007

state of being myself

nagbalik na naman ako sa dating kong sarili. ang pagiging tamad--pagsasantabi sa mga bagay na dapat ay pinagtutuunan ko ng pansin dahil malapit na ang deadline. at alam kong dead ako kapag hindi pa ako kumilos.

pero ewan ko ba, kahit anong gawin ko mas nangingibabaw pa rin ang katamaran. madaling mawala ang focus ko sa isang bagay. isang patunay ba ito na tunay na number 7 ako sa Enneagram, na isa akong enthusiast.

sabi ng prof ko ang mga number 7 daw ay bagay sa PR. putcha! hindi PR ang kailangan kong gawin. sana nga PR na lang maituturing ang pag-analyze sa correlation ng voting, religion, neighboring, political party preference at visiting index ng mga New Yorker sa isa't isa.

so ibig bang sabihin nito ay hindi ko talaga matatapos ang paper na ito sa CommRes 120 dahil PR nga ang supposedly "forte" ko? Shet.

bakit ba kasi hindi ko mahindian ang mga tukso sa paligid ko. lintik kang dsl ka! dahil sa iyo nonstop nakabukas ang laptop ng papa ko. pero salamat na rin at mas madali akong makapagstalk ng mga iniistalk ko.

isa ka pang tv ka. bakit ba kasi puro tsismis ang dala mong balita. lalo lang tuloy akong naeenggayong tumutok. pero salamat din at may napaguusapan kami sa school, lalo na sa mahahalagang group meetings para sa paper sa CRes 130.

shet! bakit ba ang tamad ko?! minsan tuloy hindi ko mapigilang itanong sa aking sarili, "wala ba akong significant relationship sa course ko? Hindi ba kami correlated? Lagi bang null hypothesis and accepted? forever bang ganito?"

pero bakit naman sa harutan nangunguna ako? sa tsismis, laitan at tawanan. sa mga "fields" na ito lamang ba ako may-K mag-excel? hindi ba parang ang loser naman nun?

...

shet, ang loser ko!

No comments: