Sunday, August 19, 2007

weight alert: my belly is dancing

I feel so fat!

Alam ko, para sa mga nakakakilala sa akin, gusto niyo na akong sampalin at sabihing hindi ako mataba. Siguro nga kung titignan ng personal hindi, pero feeling ko ang taba taba ko na!

I gained 10 pounds in just weeks! From a weight of 98 pounds, I am now up at 108! Grabe, hindi ko talaga alam kung matutuwa ako.

Gusto ko talagang tumaba, or at least mag-gain man lang ng weight. And I thank pa nga the people who tell me that "tumataba" ako. Pero parang ayaw ko na. Why?!

Una, I can't stop eating. Para akong kambing na dapat laging may nginunguya. Although noon pa man ay malakas na akong kumain, mas napalakas pa yata ngayon.

Pangalawa, my clothes don't fit anymore. I am one size higher sa pants. Limited na lang talaga ang mga nagagamit ko. Iyong skirt that I used to wear a belt with, ngayon kahit walang belt hindi na siya nalalaglag. And if ever kasya nga ang mga damit ko, mukha naman akong suman sa sikip. I can't breath properly. My flabs are showing. Para na akong wedding cake. Although hindi pa naman ganoon kadami ang layers.

At ang ikatlo, I feel tired most of the time. Hindi ko alam kung dahil ba sa timbang ko ito or just because busy lang talaga ako. But nevertheless, mabilis akong mapagod.


And so, gumawa na ako ng aksyon. Dahil sa hectic nga ang schedule ko, I just bought an instructional vcd on belly dancing...


BELLYDANCING 101

So kumusta naman ang first session?



Mahirap siya.



Ang akala ko na pakembot kembot at mga giling lang eh super hirap pala. But it's fun, and mafi-feel mo na sa bawat movement mo ay nagco-contract din ang muscles mo. After 30 minutes, I was sooo tired at pawis na pawis. Which is good, btw.


I should do the whole thing everyday, but I doubt if I can. So baka at times na lang na free ako. But still I'll try to make it every other day. Para mas effective.

No comments: